Sabado, Mayo 28, 2011

Ang Anak ng Tao ay Naparito Upang Hanapin at Iligtas Ang Nawala


Magandang gabi po mga kapatid.
Sa gabi pong ito ay muli po nating babalikan ang kuwento ni Zaqueo at pag-aaralan po natin ang mahahalagang bagay na itinuturo sa atin nito.
Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala.“
Luke 19:10
Tayo po ay saglit na yumuko at manalangin.

Kung ang ebanghelyo ayon kay Juan ay may Juan 3:16, ang ebanghelyo naman ayon kay Lukas ay may Lukas 19:10. At kung kikilatisin po nating mabuti, iisa po ang mensahe. Ang Diyos ay kumilos para sa Kaniyang mga anak. Sa gabi pong ito ay titingnan natin ang naging pagkilos ng Diyos sa buhay ng isa sa mga sikat na tauhan ng bibliya, si Zaqueo.

Sa kuwento po ni Zaqueo ay may dalawang prominenteng tauhan, si Hesus at si Zaqueo. Kilalanin po natin ang pinanggalingan ng dalawa at ang kanilang pagtatagpo. Una po ay ang Panginoong Hesus. Nang ihula ni Hesus ang kaniyang kamatayan, Siya ay nasa Capernaum. Maganda pong medyo ipicture natin ang mapa ng Israel. Ang Capernaum po ay nasa bandang hilaga. At sa palibot ng lawa dito naganap ang maraming himala ni Hesus. Pagkatapos ng kaniyang hula ay muli Siyang naglakbay at nagministeryo sa Judea. Nagpagaling Siya, nagturo at ibinahagi ang mabuting balita ng kaligtasan. Sa Mateo 20:17 po ay mababasa natin na ang Panginoon, kasama ang Kaniyang mga alagad ay papunta na sa Jerusalem “Samantalang umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin,” Sa Ingles po ay mas malinaw na papunta na sila sa Jerusalem, “And Jesus going up to Jerusalem took the twelve disciples apart in the way, and said unto them,” Pero po sa Mateo 20:29, sila po ay papunta na sa Jerico. Balik po tayo sa mapa, mula po sa hilaga, sa Capernaum ay bumaba sila sa Judea, pagkatapos ay lumakad patungong Jerusalem, at lumagpas papuntang Jerico. Ang Jerusalem ay nasa pagitan ng Perea, kung nasaan ang Jerico, at ng Judea. Bakit lumagpas sa Jerusalem si Hesus? May isa pong dahilang ipinakita sa atin, basahin po natin sa Lukas 19:5, “At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya'y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka't ngayo'y kinakailangang ako'y tumuloy sa bahay mo.” Kinakailangang tumuloy ni Hesus sa bahay ni Zaqueo bago Siya pumunta sa Jerusalem at mamatay.
Ikalawang tauhan, si Zaqueo, sino nga ba siya? Ikalawang talata ng Lukas 19, “At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya'y isang puno ng mga maniningil ng buwis, at siya'y mayaman.”  Si Zaqueo po ay hindi lang basta maniningil ng buwis. Siya ay isang puno, ulo, tagapangasiwa ng mga maniningil ng buwis. Sabi po ng Geneva Commentaries “The overseer and head of the publicans who were there together: for the publicans were divided into companies, as we may gather from many places in the orations of Cicero”. Kung ang mga publikano ay nahahati sa maraming kumpanya, at si Zaqueo ang ulo nito, lumalabas po na parang isang Head ng Bureau of Customs si Zaqueo, kung saan nagbabayad ang maraming maliliit na taga-singil ng tax sa bawat pumapasok na kalakal sa ating bansa. Sa panahon po nina Zaqueo at Jesus, ang mga maninigil ng buwis ay itinuturing na makasalanan, mapanlamang, madaya at madungis. Nakita naman po natin ito sa kuwento ng nananalanging Pariseo at Publikano. Sa madaling salita, kung ganoon ang tingin ng mga hudyo sa isang maninigil ng buwis, paano pa kaya ang tingin nila kay Zaqueo na puno ng mga maniningil ng buwis? Malamang sikat na sikat siyang demonyo sa kanilang panahon.

Ang pagkakakilala ni Zaqueo kay Jesus ay maaaring dala ng kasikatan ng huli. Kaya noong nabalitaan ni Zaqueo na darating si Jesus sa Jerico, nagnasa siyang Makita ito.  Sa mga huling talata ni Lukas sa kapitulo 18, naitala po niya ang pagpapagaling kay Bartimaeus sa daan papuntang Jerico. Maaaring nalaman ni Zaqueo ang pagdating ni Jesus sa mga ulat ng mga tao tungkol dito, “At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at sumunod sa kaniya, na niluluwalhati ang Dios: at pagkakita nito ng buong bayan, ay nangagpuri sa Dios.” Marami po ang nakasaksi  sa pagpapagaling kay Bartimaeus. Maaari ring nalaman ni Zaqueo ang pagdating ni Jesus sa mismong pagpasok ng Huli sa Jerico, “At siya'y pumasok at nagdaan sa Jerico.”

“At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi mangyari, dahil sa maraming tao, sapagka't siya'y pandak.” Verse 3. Napakaganda po ng ginamit na salita sa translation natin sa Tagalog, Pinagpilitan. Pinilit ni Zaqueo na Makita at makilala si Hesus pero hindi niya magawa dahil sa kanyang kaliitan. Alam po ninyo maraming mga interpretasyon na ang inilagay sa mga talatang ito. Isa sa mga sikat ay ang kapandakan ni Zaqueo ay ang ating mga kahinaan na tila sinasabing ang ating mga kakulangan ang siyang pumipigil sa ating paglapit sa Diyos. Iyong “shortness” daw niya ay ang ating “shortcomings” before the Lord. Pero kung gusto po nating gawing inspirationally parallel sa buhay natin siZaqueo, pinakamaganda iyong pagpipilit niya na Makita si Jesus, at hindi mangyari. Gayunpaman, balik na po tayo sa kuwento ni Zaqueo, sa kabila ng kaliitan niya ay may nakita siya, ang puno ng Sikamoro! Sa isip-isip po siguro ni Zaqueo, “Kailangan yatang akyatin ko ang punong iyon para Makita ko si Jesus. Kailangan palang may gawin ako.” Iniimagine ko nga po ang mukha ni Zaqueo habang nakikitang naglalakad sa Jesus papalapit sa kaniya. Siguro excited siya. Pero hindi ko na maisip pa ang mukha niya nang malapit na sa puno ng sikamoro si Jesus at biglang “siya'y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka't ngayo'y kinakailangang ako'y tumuloy sa bahay mo.” Tinawag siya ni Jesus sa pangalan niya, Zaqueo, at pupunta sa bahay niya. Tinawag siya ng taong gusto niyang Makita at gusto, kinailangan pang pumunta sa bahay niya. Hindi sa kapitbahay nita, hindi sa bahay ng sinumang pariseo sa Perea, kungdi sa bahay niya. Isang matuwid na tao ang nagpakita ng pangangailangang pumunta sa bahay niya. Kung iisa-isahin po natin ang ikalimang talata, “siya’y tumingala at sinabi sa kaniya…” Makikita po natin na alam ni Jesus kung nasaan si Zaqueo noong mga oras na iyon. Alam niyang nasa taas ng puno ng sikamoro si Zaqueo! Ang pagiging maliit na Zaqueo at ang puno ng Sikamoro ay inihanda ng Diyos upang siya ay makita ng Anak ng Tao. Sabi sa komentaryo ni Dr. John Gill, “Where the tree stood, in which Zacchaeus was. Christ knows where his people are, and where to find them, where they commonly dwell, or where at any time they are, he being God omniscient: besides, the bounds of their habitations are fixed by the determination and appointment of God, and were foreknown by Christ, who, before the world began, was "rejoicing in the habitable part of his earth", where he knew his saints would dwell, who are "the sons of men", with whom his delights were; and he knows where they are, when the time is come to call them: he knew Zacchaeus was in the sycamore tree, as he saw Nathanael under the fig tree, before Philip called him”

“At siya'y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa.”, ika-anim na talata. Nagmamadali, excited, at punong-puno ng kagalakan na pinatuloy ni Zaqueo si Jesus sa kaniyang tahanan. Nakita niya ang kaniyang pearl of great price na tinukoy sa Mateo 13:45, ang kaniyang natatagong kayamanan ng Mateo 13:44. Literal na ginanapan ni Zaqueo ang kaniyang pinakamataas na rason ng pagkakalikha, ang luwalhatiin at magalak sa Diyos. For the chief end of man is to glorify God and to enjoy Him forever. Sobrang tuwa niya na kahit, ikapitong talata, “nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya'y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan.”, tinuturing siyang makasalanan, kanya naming “nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap” at ikawalong talata, “nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung sakali't nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat”. Ito ang nagawa ng pagtawag ni Jesus sa kaniya. Tinawag siya ni Jesus, at tila napakaimportante niya na bago pa mamatay si Jesus sa krus, pinuntahan pa Siya nito sa Jerico at kumain pa sa bahay niya. Ano ang nagging resulta? Nagbago si Zaqueo. Ibibigay niya ang higit pa sa hinihingi ng batas sa Leviticus. Isasauli niyang apat na uli samantalang ang hinihingi lamang ay iyong orihinal na value plus 1/5.

“At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka't siya'y anak din naman ni Abraham.” Dumating ang kaligtasan sa tahanan ni Zaqueo hindi dahil sa kaniyang pagbabalik ng pera kundi dahil siya ay minsang nawala, at nakita na ng Anak ng Tao. “For the Son of Man came to seek and save which was lost. “

Marami pa pong itinuturo sa atin ang buhay ng pagkakahanap kay Zaqueo ngunit sa gabing ito ay may dalawang puntos tayong tutunghayan. Una, na ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin ang nawawala, at ikalawa, naparito ang Anak ng Tao upang iligtas ang nawala.

Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin ang nawala. Paano nga ba maghanap ang Anak ng Tao? Makikita po natin sa kuwento na si Jesus ay may intensyong pumasok na sa Jerusalem ngunit dahil may isa pang nawawala sa mga dapat niya nang naipasok sa kaharian Niya. Nilagpasan Niya ang Jerusalem at pumunta pa sa rehiyon ng Perea, sa lugar ng Jerico. At sa liit ng hahanapin Niya, kinailangang magkaroon ng kakaibang paraan. Hindi katulad nang kay Philip na nakita niya lang sa ilalim ng puno, kundi sa itaas ng puno. Kung aalalahanin po natin ang konteksto ng Romans 8:28 at ang mga succeeding verses, na ang Diyos ay kumikilos para sa ikaliligtas ng Kaniyang mga anak, na nag-iisang mabuti.  Minabuti ng Diyos na magkaroon ng puno ng Sikamoro sa lugar na iyon upang sa taong 33 A.D., ay makita ni Jesus ang isang nawawala Niyang alagad. Paano ba tayo nakita ng ating Panginoon? Si C.S. Lewis, na isang atista, ay natagpuan ng Panginoon habang umaakyat ng hagdanan at nagpahayag ang Diyos sa isang signboard. Hindi ko na maalala kung anong sitas ang nasa signboard pero sa pamamagitan nito ay nakita niya ang pagtawag sa kaniya. Ang Diyos ang kumilos upang sila ay hanapin. Gayundin sa iyo kapatid, ang Diyos ang kumilos upang ikaw ay makita. Ang Diyos ay kumilos upang ikaw ay mapabilang sa mga tupang nasa kaniyang sheepfold. Huwag nawa tayong magkaroon ng pag-iisip na tayo ay nagkaroon ng efforts upang ang Diyos ay ating hanapin. Baka hanggang ngayon kapatid, ay iniisip pa rin natin na tayo ay nagkaroon ng kaligtasan dahil sa tinanggap natin si Jesus sa ating puso dahil nagmamakaawa na Siya sa iyo. Baka hanggang ngayon ay pinanghahawakan mo pa ring ikaw ang pumili sa Diyos. Kapatid, malinaw na dumating ang kaligtasan sa pamilya ni Zaqueo dahil siya ay isa sa mga tunay na anak ni Abraham. Hindi dahil sa laman o pagiging tunay na Hudyo, kundi ayon sa Romans 9, ayon sa awa ng Diyos. Siya ang pumipili at hindi tayo. Ikaw kapatid, ay pinili ng Diyos upang ang kaniyang biyaya ay tumakbo sa iyong pamilya. Hinanap ka niya at tinawag upang ikaw ay lumapit sa kaniya at kilalanin Siya bilang iyong Diyos.

Ang Anak ng Tao ay naparito upang iligtas ang nawala. Nakita po natin kanina na si Zaqueo ay may masamang impresyon sa kaniyang mga kalahi dahil sa kaniyang trabaho. Siya ay kinikilalang isang matinding makasalanan. Gayunpaman, muling ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig at kapangyarihan sa pagliligtas na Kaniyang ginawa sa sambahayan ni Zaqueo. Nang tawagin ni Jesus sa puno ng Sikamoro si Zaqueo, dali-dali itong bumaba at galak na galak na pinatuloy si Jesus sa kaniyang bahay. At sa kabila ng mga umuugong na balitang tumuloy si Jesus sa bahay ng isang makasalanan, siya ay tumindig at sinabi “sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung sakali't nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat”. Kitang-kita agad ang kapangyarihan ng Diyos na magligtas ng Kaniyang anak mula sa kasalanan. Kitang-kita ang pagbabago sa kaisipan ni Zaqueo. Iniligtas ni Jesus si Zaqueo mula sa pagka-alipin sa kasalanan kahit pa siya ay itinuring na isang makasalanan. Inililigtas ni Jesus ang Kaniyang mga tupa sa pagka-alipin sa kasalanan kahit pa anong pagkalugmok ng sinuman, pag Siya ang tumawag, siyang ahon. Tayong mga anak ng Diyos ay napakapalad dahil sa kabila ng ating mga malaking pagkukulang, tagong kasalanan, mapagsariling kaisipan, kayabangan, pagiging mapagmataas at mapanghatol sa ating mga kapatid, iniligtas pa rin tayo ng Diyos. At katulad ni Zaqueo, nagkaroon tayo ng bagong puso. Ang bagong puso ay ipinangako sa atin ng ating Panginoon dahil hindi nga natin nanaisin na piliin ang Diyos. Ezekiel 36:26-27, “Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.” Bibigyan tayo ng Diyos ng pusong susunod sa kaniyang mga utos. Iniligtas na tayo ng Diyos sa hatol, pinapabanal Niya pa tayo. Ito ang katunayan na ikaw ay iniligtas na ng Panginoon. Ang iyong pag-iisip ay magkakaroon ng matinding pagbabago. Matutunan mong kilalanin ang Diyos bilang tunay na Diyos, banal, kaaya-aya at nag-iisa. At katulad ni Zaqueo, kikilalanin mo Siya at tatanggapin sa iyong sambahayan nang punong-puno ng kagalakan. Ang isang tunay na mananampalataya ng Diyos, ang mga pinili ng Diyos ay magkakaroon ng buhay na iniligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan.

Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. Kapatid, ikaw ay hinanap ng Panginoon at iniligtas nang wala kang ginagawa. Isa lang ang naging kontribusyon mo sa kaligtasan, at ito ang iyong kasalanan. Kung mayroon ka mang dapat na ilapit sa Panginoong Jesus na sukat ikaligtas mo, ito ang iyong mga kasalanan. Katulad ni Zaqueo, siya ay hinanap ng Panginoon at iniligtas mula sa kaniyang kasalanan. Tayo rin mga kapatid, ay kaniyang hinanap at iniligtas. Sa diwa pong ito, tayo po ay sumamba at manalangin.

Martes, Mayo 24, 2011

An Exegesis of Luke 19:1-10


An Exegesis of Luke 19:1-10

Jesus predicted His death when He was at Capernaum. From there, He travelled southward and ministered to men of Judea. But instead of entering Jerusalem, where He was supposed to suffer the greatest evil of His time, He travelled for Jericho, skipping Jerusalem. There was one reason, Luke 19:5 says “And when Jesus came to the place, he looked up, and saw him, and said unto him, Zacchaeus, make haste, and come down; for today I must abide at thy house.” It was a must that He should enter and stay at Zaccheus’ house.

Who is Zaccheus? Verse 2 speaks “And, behold, there was a man named Zacchaeus, which was the chief among the publicans, and he was rich.”  Zaccheus wasn’t just a tax collector like Levi, or Matthew. He was “The overseer and head of the publicans who were there together: for the publicans were divided into companies, as we may gather from many places in the orations of Cicero.” (Geneva Commentaries) During the first earthly incarnation of Jesus, the tax collectors were considered sinners, cheaters and people who took advantage of the subjects of Rome. Zaccheus, nonetheless, was a chief tax collector. He was the “commissioner of customs’. Jericho commanded the trade between the two sides of Jordan.[1] “ (The Gospel according to Saint Luke, Libronix) Therefore, it is safe to say that the Jews hated him and hailed him as a chief sinner.

As Jesus’ fame flied over the land of Israel, and perhaps the entire Roman empire, Zaccheus may have heard about Him. So when it was heard that He was travelling for Jericho, Zaccheus wanted to see Him. Luke 18:43 says that “And immediately he received his sight, and followed him, glorifying God: and all the people, when they saw it, gave praise unto God.” It is possible that Zaccheus may have heard that Jesus was coming to Jericho because of the healing of Bartimaeus as all the people who witnessed it may have talked about it or he probably heard about his arrival at Luke 19:1, “And Jesus entered and passed through Jericho”.

“And he(Zaccheus) sought to see Jesus who he was; and could not for the press, because he was little of stature”, Luke 19:3. He went his way to see Jesus, but his shortness wouldn’t allow him to. So “And he ran before, and climbed up into a sycamore tree to see him: for he was to pass that way.”, verse 4. “To see Jesus”, he thought, “I must make ways.” “I must overcome my shortness and try everything to see Him.” So he climbed the sycamore tree to see Him. But to his shock, he just didn’t see Jesus. Verse 5 says “And when Jesus came to the place, he looked up, and saw him, and said unto him, Zacchaeus, make haste, and come down; for today I must abide at thy house.” Jesus called him by His name and even intended to pay his house a visit. Therefore, there was a mutual intent, Jesus to see Zaccheus and Zaccheus to see Jesus. Though the sycamore tree and his shortness were necessary, they were both means for Zaccheus to be found by the Finder, Jesus. If we would take a closer look, Verse 5 says that “And when Jesus came to the place, he looked up, and saw him”. This simply implies that Jesus knew where Zaccheus would be. Dr. John Gill explains this better by saying that “Where the tree stood, in which Zacchaeus was. Christ knows where his people are, and where to find them, where they commonly dwell, or where at any time they are, he being God omniscient: besides, the bounds of their habitations are fixed by the determination and appointment of God, and were foreknown by Christ, who, before the world began, was "rejoicing in the habitable part of his earth", where he knew his saints would dwell, who are "the sons of men", with whom his delights were; and he knows where they are, when the time is come to call them: he knew Zacchaeus was in the sycamore tree, as he saw Nathanael under the fig tree, before Philip called him”
“And he made haste, and came down, and received him joyfully.” Luke 19:6. Zaccheus found his pearl of great price (Matthew 13:45), his hidden treasure (Matthew 13:44). He literally came to his chief and highest end, which is to glorify God and to enjoy Him forever. He received Jesus into his house joyfully. So joyful that even “they all murmured, saying, That he was gone to be guest with a man that is a sinner.” He “but this one thing he (Zaccheus) did, forgetting those things which are behind, and reaching forth unto those things which are before”(Philippians 3:13)  and “stood, and said unto the Lord; Behold, Lord, the half of my goods I give to the poor; and if I have taken anything from any man by false accusation, I restore him fourfold.” Verse 8 speaks of Zaccheus as joyfully moved by the awesome call of the Lord to him. Jesus called him, with intent of eating with him and placing him as an important person to visit before His death. Zaccheus was moved to repent. He did it “not to make satisfaction for the sins he had committed, but to testify his sense of them, and his repentance for them, and as willing to do good with what he had gotten; which shows, that the disposition of his mind was altered, and of a covetous oppressor, he was become tender, kind, and liberal.” (John Gill). And more than that, he promised to give more what the law required. Leviticus 6:5 speaks only to return the principal and a fifth part of it but Zaccheus overdid it, not to impress Jesus but to make sense of the change of mind that he had.
“Today salvation has come to this home, because this man is also a descendant of Abraham”, Jesus declared at Luke 19:9. Salvation came not because Zaccheus gave away his wealth but because he was found. Salvation came because he was a “Beloved of God, one that walks in the steps of Abraham's faith: and we gather that salvation came to that house because they received the blessing as Abraham had” (Geneva Commentaries). Zaccheus was converted because “For the Son of man is come to seek and to save that which was lost” and he was the one the Son of man looked for at Jericho, and he was found.


[1]Bond, John: The Gospel According to St. Luke. London : Macmillan, 1890, S. 140

Martes, Mayo 17, 2011

Ang Ikapitong Wika


Lucas 23:46 “Sumigaw nang malakas si Hesus, Ama sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu.”
Tayo po ay manalangin.
Sa araw-araw ay maraming beses nating ipinagtatagubilin o ipinagkakatiwala ang ating buhay. Sa pagsakay sa jeep ay inaaasa nating ligtas tayong makararating sa ating destinasyon. Sa ating paglakad sa isang kalye ay ipinagkakatiwala natin an gating buhay sa kaalamang ligtas lumakad sa lugar na iyon.  Maging si David sa kaniyang mga awit sa Psalm 31 ay nagpakita ng kaniyang pagtatagubilin ng kaniyang buhay sa Diyos. Sa mga talata rin sa Awit 31 makikita ang mga huling salitang binitawan ni Hesus bago Siya malagutan ng hininga sa krus. Awit 31:5a “sa iyong mga kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking buhay.” Sa tanghali pong ito ay muli nating babalikan ang ikapitong wika at kung ano nga ba ang itinuturo nito sa atin.
Marahil ay alam naman po natin ang mga nangyayari nang isigaw ni Hesus ang ikapitong wika. Anim na oras na siyang nasa ilalim ng initan, duguan, bugbog-sarado at nakapako sa krus. Ang ikapitong wika ang huling mga salitang binanggit niya bago siya tuluyang nawalan ng hininga. Sa hapon pong ito, babalikan natin ang istorya ng pagkamatay ni Hesus at iisa-isahin natin ang mga itinuturo sa atin ng bawat talata. Sa ebanghelyo ayon kay Lucas, matatagpuan ang kuwento ng pagkamatay ni Hesus sa Chapter 23, verses 44-49. Sa verse 44-45, “Nang magtatanghaling tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng templo’y napunit sa gitna.” Ayon sa iskolar na si John Gill, nagkaroon ng total solar eclipse na tumagal nang tatlong oras at sumakto ang pinakamadilim na bahagi sa lugar ng pinangyarihan ng kamatayan ni Hesus. Inihanda ng Diyos ang mismong pagtapat ng buwan sa araw sa mismong huling tatlong oras ng buhay ni Hesus sa laman. Ayon sa ibang mga ebanghelyo ay nagkaroon pa ng lindol nang mga panahong iyon na nagsanhi ng pagkahati ng tabing sa templo. Ang harang sa templo na nagsilbing pagitan sa mga taong makasalanan at ng banal na Diyos ay nahati sa gitna. Inilagak ni Hesus ang bigat ng ating mga kasalanan sa Kaniya at ang Kaniyang kabanalan sa atin upang tayo ay makapanumbalik sa ating katutubong kalalagayan, sa kalagayang katulad ni Adan bago siya magkasala, kalagayang kasamang naglalakad ang Diyos, kalagayang nakakausap nang malaya ang Diyos. The “Wonderful Exchange” ika nga ni Martin Luther. Verse 46, ang ikapitong wika, “Sumigaw nang malakas si Hesus, Ama, sa mga kamay Mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu. At pagkasabi nito, nalagot ang Kaniyang hininga.”  Linawin po muna natin ang espiritu na ipinagtagubilin ni Hesus. Hindi po ito ang ikatlong Persona ng Diyos na banal na Espiritu kundi ang di-materyal na aspekto ng pagkatao ni Hesus. Katulad natin na may dalawang komposisyon, ang materyal at di-materyal, ang Panginoong Hesus ay mayroong dalawang aspekto. Patuloy po sa ikapitong wika, kanina po ay nakita natin na ang ikapitong wika ay mula sa awit ni David sa Psalm 31:5. Kung babasahin po natin ang kabuuan ng Psalm 31, makikita po natin ang matinding pagtitiwala ni David sa Diyos. At kilala naman natin si David na talagang may malaking pagtitiwala sa Diyos na handa Niyang ilagak ang buhay niya sa mga Kamay ng Diyos. Ni hindi siya natakot harapin si Goliath na may espada, may baluti, may kalasag at iba pang mga military na equipment, at ang hawak lang niya, tirador! Tatlong batong maninipis, tirador at ang Diyos, handa na siyang sumugal sa laban dahil ang tiwala at pag-asa niya ay sa Diyos. Sa verses 9-14 ng Psalm 31 ay mababasa rin po natin ang mga nararamdaman ni David nung mga panahong siya nagdadalamhati. Gayunpaman, nasa Diyos ang kaniyang pag-asa. Katulad ni David na iniwan ng kaniyang mga kaibigan, ipinagtagubilin rin ni Hesus ang kaniyang espiritu sa Diyos Ama, sa gitna ng pagtalikod ng kaniyang sariling bayan, disipulo at ang pinakamasakit, ang pagtalikod ng Diyos dahil sa paglagak ng kasalanan sa kaniya. Patuloy po tayo sa verse 47, “Nang Makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya’y nagpuri sa Diyos na sinasabi, Tunay ngang matuwid ang taong ito.” Ang kapitan ng mga kawal, o mas kilala sa tawag na senturyon, ay isang Romano, isang pagano, mananamba sa diyos-diyosan at walang pagkilala sa buhay at banal na Diyos. Gayunpaman nakita natin ang kaniyang pagpupuri at pagdedeklara na si Hesus ay matuwid. Sa ibang ebanghelyo, “Tunay ngang ito ang anak ng Diyos!” Bagama’t hindi na po natin nakita ang naging buhay ng kapitan pagkatapos sa mga gawa at mga ilang sulat ni Pablo, makikita po natin dito na kumilos ang banal na Espiritu sa kaniyang buhay at inudyukan siyang magpuri at sambitin ang mga ganoong salita. Alalahanin po nating siya ay isang Hentil. Ipinapahiwatig po nito na ang tabing sa templo ay nabuksan hindi lamang para sa mga hudyo kundi maging sa mga Hentil na rin! Sa sulat ni Lukas sa mga Gawa ng mga Apostol, makikita po natin ang pagkalat ng ebanghelyo sa Judea, Samaria hanggang Espanya. Tayo, bilang mga Pilipino ay mga “ingrafted believers” lamang.  Mga mananampalatayang dahil sa ginawa ni Hesus ay napasama tayo sa mga naaaliw ng biyaya ng Diyos sa lipi ni Abraham. Ngayon ay malaya na tayong nakasasamba sa isang banal na Diyos at nakasisiguro tayo na siya ay nagagalak sa ating pagsamba. Sa verse 48 “Maraming tao ang nagkakatipon doon at nanonood. Nang Makita nila ang mga nangyari, umuwi silang lungkot na lungkot.” Nang Makita ng mga nanonood na tuluyan na ngang namatay si Hesus ay nag-uwian na silang malungkot. Ayon sa ibang salin ay umuwi silang dinadagukan ang kanilang mga dibdib. Sa Jewish culture, ang pagdagok ng dibdib ay nagpapakita ng matinding paghihinagpis. Bakit nga ba sila naghihinagpis? Ito ba ay dahil pinatay nila ang isang walang kasalanan? O dahil umasa silang bababa siya mula sa krus at palalayain ang Israel mula sa tanikala ng Roma subalit nabigo dahil napatay? Maaaring iyong una o iyong ikalawa. Subalit isa ang klaro, Pinarusahan nila ang walang kasalanan! Pinatay nila si Hesus! Ito ang nagtulak sa mga manonood na umuwi nang may paghihinagpis. Dito ay makikita natin ang malawakang pagpaplano ng Diyos na bagama’t siya nagmukhang talunan sa kaniyang kamatayan, ito pala ay tagumpay. Sapagka’t tunay ngang nakalaya tayo sa tanikala, hindi ng Roma, kundi ng kasalanan.  At sa ikahuling text, verse 49, “Nakatayo naman sa di-kalayuan ang mga kasamahan ni Hesus, pati ang mga babaen sumama sa kaniya mula sa Galilea. Nakita rin nila ang mga pangyayaring ito.” Ang mga tinutukoy po rito ay sina Maria Magdalena, Martha, Maria na ina ni James the Less at Joses at Salome. Tignan na lang po natin ang mga counter-references sa ating mga bibliya.
“Ama sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu.”
Ang ikapitong wika ay napakayaman at napakaraming itinuturo sa atin. Gayunpaman ay lilimitahan lang po natin sa tatlo. Una, pagtitiwala ng ating buhay sa Diyos. Walang ibang maaaring puwedeng pagkatiwalaan n gating buhay kungdi ang Diyos, ang ating Manlilikha, ang ating Tanggulan, ang ating Ama. Siya ay kumikilos upang ang lahat ng bagay ay magkalakip upang tawagin ka, banalin ka at luwalhatiin ka. Maaaring ang mga pagkilos Niya minsan ay hindi natin Makita ang halaga at ang sensem ngunit kung ipagkakatiwala mo ang buhay mo, hindi mo man naiintindihan, siguradong kakasamahin ka Niya sa paraiso.
Ikalawa, pag-asa, bagama’t mamamatay na, naniwala pa rin ang Panginoong Hesus na sa kamay ng Ama ay may ginhawa, katagumpayan at kasiguruhan. Makiakaasa tayong muli tayong bubuhayin ng Diyos pagkatapos ng ating kamatayan.
Ikatlo at huling puntos, pananampalataya. Katulad ng kapitan ng mga kawal na nanampalataya sa isang bugbog-sarado, duguan, hubad at patay ay matuwid at tunay na Anak ng Diyos, sa atin din ay kumilos ang banal na Espiritu upang sumampalataya sa Diyos. Hindi ang eclipse, lindol at pagkahati ng tabing ang nagtulak upang manampalataya ang centurion kungdi ang udyok ng Banal na Espiritu. Gayundin, hindi ang ating pagtanggap kundi ang pagtanggap ng Diyos sa atin ang nagbukas ng ating mga mata upang manampalataya kay Hesus,
Pagtitiwala, Pag-asa at Pananampalataya. Tatlong napakayayamang mga pagpapaalala na ibinigay sa atin ng huling wika n gating Panginoon. Tatlong mayayamang bagay na paulit-ulit na nagsasalita sa atin. Magtiwala ka, Umasa ka, manampalataya ka. Ito ang tawag sa lahat ng mga anak niya at patuloy na nagsasabi sa iyo, narito ang biyaya ko, tuturuan kitang magtiwala sa akin, umasa sa akin at manampalataya sa akin.
“Ama sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu.”
Tayo po ay manalangin. 

Lunes, Mayo 16, 2011

God Works for the Good of His People

God Works for the Good of His People” 
(Romans 8:28-39)
What is thy only comfort in life and death?
“At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisi-ibig sa Diyos, samakatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa Kaniyang Nasa.”
Tayo po ay saglit na tumungo,
Magandang gabi po mga kapatid. Ang tanong po sa ating ngayong gabi, “What is thy only comfort in life and death?”, at isa po sa madalas na sagot sa tanong na ito ang sitas sa taas, ang Romans 8:28. Tuwing may sakuna, trahedya, tsunami, lindol at iba pang nakakatakot at di-kanaisnais na pangyayari, madalas po nating nababanggit ang “All things work for good…” Kapag nagkasakit ng matindi, “Ah… All thinsg work for good.”.. Kapag namatayan, “ah.. All things work for good.” Kapag natanggal sa trabaho o hindi natanggap sa trabaho, “ah.. All things work for good.” Minsan nga po, iyong limang katagang ito lamang ang ating kabisado. God knows better ika nga. Ang problema po, ganito po ang madalas na impresyon, “Gusto ko ng bagong laptop, gusto ko Sony Vaio, kaso kulang ang pera ko, hindi ibinigay ng Panginoon. Malamang ito bibigyan Niya ko ng Macbook. Kasi He knows better and all things work for good.” Lalo po ngayon na naglipana ang mga lindol, giyera, tsunami at sandamakmak na pangalan na kinikilalang antikristo, we comfort our afraid hearts with “All things work for good.”
Sa gabi pong ito ay titignan nating muli ang sinasabi sa ating “good” ng Romans 8:28-39.
Sa pag-aaral po ngayong gabi, aatras po tayo ng kaunti sa Roma 7 upang makita po natin akung bakit sinabi ni Pablo ang sikat na sitas na “All things work for good”. Ang context po ng Roma 7 ay ang paglalaban ng espiritu ng kasalanan at ng Espiritu ng kabanalan. Tayo pong mga mananampalataya ay kinasihan na ng Banal na Espiritu pero patuloy an gating pakikibaka sa sarili nating nasa. Take note sirs and madams, “sarili nating nasa”. Gayunpaman, sabi po sa Romans 8:1, “Ngayo’y wala nang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.” Maganda po sa ingles, NIV, “There is now no condemnation for those who are in Christ Jesus.” Maging kumpiyansa po tayo, lalo pa’t “nalalaman natin na ang lahat ng bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisi-ibig sa Diyos, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa Kaniyang nasa.”
Sa madaling salita, ang konteksto po ng Romans 8:28 ay ang pagkakaroon ng kumpiyansa na bagama’t mahina ang ating katawan, alinsunod sa korapsyon at nasang makalaman, nakasisiguro po ang bawat isa na kumikilos ang Diyos para sa ikabubuti ng kaniyang mga anak.
Tatlong mahahalagang bagay po ang itinuturo sa atin ngayong gabi ng ating mga talata.
Una, God works for the good of His people. Ang Diyos ay gumagawa ng mabuti para sa ikabubuti ng Kaniyang mga anak. Paano po ang hindi Niya mga anak? Hindi po. Pero hindi po natin ito bibigyan ng detalye, maaaring sa mga susunod na Linggo ay pag-aralan po natin ito. Balik po tayo sa ating unang puntos. Ano nga ba ang “mabuti” ayon sa Diyos? Ano po ang “mabuti” na ginagawa sa atin ng Diyos? Tignan po natin, Verse 29, “Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala ay itinalaga naman Niya na maging katulad ng larawan ng Kaniyang Anak.” Referring to Jesus. Sa ingles po, mas madali po uling unawain, NIV, “For those God foreknew, He also predestined to be conformed to the likeness of His Son.” Ito ang mabuti, ang maging kamukha ni Cristo, sinless, loving and perfect at hindi bigotilyo, nakaputi at mahaba ang buhok. Ito ang mabuti, ang maibalik sa ispiritwal na wangis ng Diyos ang Kaniyang mga anak, maging banal. Lahat po ng pangyayari sa buhay natin bilang mga anaka Niya ay nagtutulak pabalik sa Kaniya. Verse 30, “…and those He predestined, He also called, those He called, He also justified, those He justified, He also glorified.” Imagine being glorified by God Himself! Lahat ng pangyayari, masaya man o malungkot, masakit man o maginhawa, ay nagtutulak sa iyo pabalik sa Diyos. Ang kamatayan po ng Ditcheng Lita ay isang malungkot na bagay sa amin dahil unang-una, mamiss po namin siya. Iyan po ang doctor namin sa pamilya na mas madalas pang magrounds sa mga doctor. Si Dicheng pa nga po ang kasama namin nang iluwal ng aking maybahay si Trunks. Malungkot po dahil mamimiss namin siya. Gayunpaman, sa mga anak ng DIyos, ito ay mabuti. Because this event summoned you here. Dicheng Lita’s death is your call. It is not an accident that Dicheng Lita died and that you, would visit her and hear the call. Ang tawag na ito ay parang, “Let there be light!” o kaya parang “Lazarus, come forth!” Siyang tawag, iyong lapit. Iyong lapit sa kabanalan.. sa katuwiran ng Diyos.. at sa kaluwalhatian ng Diyos. God works for the good of His people. He works for your salvation, sanctification and glorification. Ang lahat ng bagay ay nagkakalakip upang tawagin ka, banalin ka at luwalhatiin ka.
Pangalawang bagay po, God works for the freedom of His people from the guilt of sin and charges of Satan. Verses 31, 32, 33, rhetorical questions, “If God is with us, who can be against us?”, “Who will bring charge against those whom God has chosen?”, “Who is he that condemns?” Kung ang Diyos ang kakampi natin, sino ang aban sa atin?, “Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa mga hirang ng Diyos?”, “Sino ang hahatol?” Ito po ay mga rhetorical questions na hindi naghihintay ng sagot. Sapagka’t, balikan po natin ang context, na kahit ikaw ay naghihirap sa pagsupil sa iyong makasariling nasa, kahit binabato ka ni Satanas ng guilt, ill-feelings at “Makasalanan ka oi!”, o “Plastik mo oi, praise the Lord tapos ganito, ganyan ka…” Kapatid, there is freedom in Christ. Romans 8:1, “There is now no condemnation in Christ.” Pinalaya ka na Niya at inaring ganap! Trust His words kapatid, He will lead you to the path of righteousness. Ang lahat ng bagay nagkakalakip upang pabanalin ka. Huwag mong katakutan ang baton g tao. Tandaan mo, “It is God who justifies.”
Pangatlong bagay po at huling puntos, God works for His people to be confident in Him. Nais ng Diyos na maging tiwala ka sa Kaniya. “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kapighatian o ang kahapisan, o ang pag-uusig, o ang kagutuman, o ang kahubaran, o ang panganib o tabak? Ano po ang sagot? Sabi po sa verse 27, hindi. With full confidence mga kapatid, HINDI! Hindi kamatayan, hindi kawalan ng trabaho, hindi sakit, hindi tsunami, hindi Lindo, hindi si Khadaffy o nuclear radiation leaks. Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Kung sa ngayon ay nararamdaman mong hindi ka karapat-dapat, nais ng Diyos ipaalam sa iyo ngayon, Mahal ka Niya at ginagawa Niya ang lahat, maging sakit man, kamatayan man o kawalan ng trabaho and so on, upang mapalapit ka lang sa Kaniya.
“Kahit ang kaitaasanm kahit ang kababaan, kahit ang alinmang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, na nasa kay Cristo Hesus na Panginoon natin.”
God works for the good of His people. He works for the freedom of His people from the guilt of sin and charges of Satan. And lastly, God works that His people may be confident in Him.
God works for our good. God works for your good. Sa gabi pong ito, mahaharap po natin ang lahat ng may pag-asa at kagalakan dahil ang lahat ay nagkakalakip para sa kabutihan natin. And this is our comfort in life and death. Ulitin po natin ang tanong, What is your only comfort in life and in death?
That I, with body and soul, both in life and in death, am not my own, but belong to my faithful Savior, Jesus Christ, who, with His precious blood has fully satisfied for all my sins, and delivered me from all the power of the devil. And so preserves me, that without the will of my heavenly Father, not a hair can fall from my head; Yea, that all things must be subservient to my salvation, and therefore, by His Holy Spirit, He also assures me of Eternal Life, and makes me sincerely willing and ready, henceforth, to live unto Him.
Tayo po ay manalangin.